Friday, October 24, 2008

aking Sariling interes


Ang Sariling interes para sa akin ay ang pagkakaroon ng hilig sa isang bagay o kung gusto mong makamit ang isang mo minimithi at ito rin ay parang bisyo na paulit-ulit mo ginagawa. Lahat ng tao ay mayroong interes ngunit lahat ay mayroong pagkakaiba.
Ang aking sariling interes ay ang pagkahilig sa pag lalaro ng Online games at iba pang computer games tulad ng paglalaro ng Dota,Cabal,Ragnarok at iba pa. Marami akong ka jamming sa paglalaro ng mga Computer Games sila ay sina Erold R. Garcia,Claudio A. Olarita at si Randhel P. Bania sila ay mga adik at minsan ay pare-pareho kaming hindi kumakain para makapaglaro.Ngunit mayroon hindi kadandahang epekto ang paglalaro ng computer games tulad ko ay na aadik sa pag lalaro ng CABAL ako ay inaabot na 2:00 ng umaga sa paglalaro tuwing biyernes at sabado tuwing Linggo hanggang huwebes ako ay natutulog na ang 10:30pm kaya puro kutos na malutong at sermon ang inaabot kaya ako ay nag-aalala dahil konsumisyon ang inaabot ng ina ko sakin.
Ang Sobra ay Masama kaya lahat ng bisyo ay maaring maiwasan kung ito ay iyong kokontrolin sa pamamagitan ng iyong disiplina dahil kung wala kang disiplina hindi mo ito maiiwasan kaya sa mga taong nasosobrahan sa kanilang interes hinay hinay lang.


Richtom R. Mamales

Pagtulong sa Kapwa

Nang ako'y dumaan sa kalye na aming pinuntahan aking napagisipan ang hirap na kanilang pinagdaanan kaya naisip kong mag seryoso sa buhay upang hindi magaya sa ilang taong aming naabutan sa kahabaan ng Divisoria.
Ito si Joemari na aking tinutulungan isang batang snatcher na kahabag-habag wala ng mga magulang, walang permanenteng tahanan at ang masakit walang kasuotan kya aking pinaalan sa ikinauukulan ang batang snatcher na aking nadaan upang magkaroon ng magandang buhay. Kaya agad siyang dinampot ng pulisya dahil siya'y wanted na at ako'y nasiyahan sa aking nagawang kabutihan ang paggawa ng mabuti ay nakapagpapagaan ng isipan.
Sana ako'y inyong tularan sa aking pagtulong sa aking kababayan na walang tirahan para sa mga taong gusto ng magbigay tulong sana'y tulungan nyo ang inyong sarili at ang mga taong naliligaw sa landas katulad ng kababayan.


Claudio A. Olarita

Nood tayo......Anong channel?

Nanood ka ba ng programa sa telebisyon? Madalas mo na bang itong ginagawa o adik ka na sa panonood nito? bakit nga ba mas marami sa mga bata ay mas gusto pang manood sa telebisyon kaysa mag-aral ng kanilang leksyon?
Dahil sa mataas na antas ng teknolohiya ay nabuo ang telebisyon na halos lahat ng pamilya sa buong pilipinas ay mayroon nito. Ang panonood ng telebisyon ang interes ko ito ang pinakapaborito kong ginawa kapag wala akong ginawa, paano'y buong araw na akong nakababad sa panonood. Halos kabisado ko na nga ang lahat ng programa at channel nito.
Pero dahil nga sa telebisyon ay maraming kabataan ang hindi nakapag-aral hindi rin sila nakagagawa ng takdang aralin at kung minsan at ayaw na nilang pumasok pero iba ako sa kanila. ako sa pag-aaral at may oras ako sa panonood ng telebisyon.


Estela Tuscano

"Musika"

Musika ang buhay na aking pinagmulan, ito rin ang dahilan kung bat ako naglalakbay.
Nauunawaan ko ang isang linya sa kantang ito ng ASIN, nakakarelate ako kumbaga. Simula ng isinilang ako sa munding ito, musika na ang kinahihiligan ko musika ang naging panlipas oras ng musmos kong isipan. Hanggang naging poses na ako dito lalo ngayong isa na akong teenager.Mas naging sentimental na ang mga nahihingan kong pakinggan. Kung susuriin mapapansing parang emo pero hindi masyado lang mahilig sa mga makapagdamdamin mga musika pero nakikinig rin ako ng mas masaya. Natanong mo ba kung bakit ako mahilig ako sa musika? Simple, kasi music is a special therapy para sa mga bigo. para rin sa mga gustong mapag-isa wala akong paki kung mapa pinoy or foreign basta tipo kong pakinggan pakinggan. Isa pa, Musika rin ang dahilan kung baket ako nagpasensya sa mga ginagawa ko kaya nga music will always be my passion.
Kaya para sa mga taong may pangarap sa buhay yakapin ninyo kung anong gusto niyo o sa ibang salita, Passion sa buhay. Kasi dahil ito ang magdadala ko sa inyo sa kung anong gusto niyong gawin.


Janine Cañonio

Sa lansangan

Kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko masyadong maintindihan ang Altruism, iintindihin ko pa rin.
Halos araw-araw nakikita ko sila sa kalsada, sa bangketa sa tabi-tabi, kahit saan!! sila ay kung kaawaan natin ay mga taong grasa. matino naman ang iba kaya lang karamihan talaga ay may sira ang ulo. Siguro dahil sa paggamit ng bawal na gamot at biglang itinigil o kaya naman ay walang pamilya. Minsan ay nagiging problema sila ng gobyerno dahil sa pakalat kalat sa lansangan.
Hindi ko man sabihin, awang-awa ako sa kanila dahil kailangan pa nilang maghanapbuhay araw-araw para sa kakainin nila lalong-lalo na ang mga bata pa lamang, pinapasa ng magulang ang mga responsibilidad sa kanila. Kapag nakakita ako ng mga kagaya nila ay hindi ko na lang sila pinapansin dahil alam kong wala akong maitutulong sa kanilang kahit ano. Hindi ko pinapakita sa kanilang naa-awa ako dahil tao rin silang may damdamin at masasaktan kapag nakalamang maraming naa-awa sa kanila.

Janine Cañonio

Hustisya ang Kailangan!!

Hustisya ang bagay na kailangan ng bawat nasyon at bansa dito sa mundo. Hustisyang makatwiran, Hustisyang walang pinagpanigan at hustisyang hindi tumitingin ng katayuan sa bahay.
Dito sa Pilipinas, hindi ko na nakikita ang hustisyang ito. Marami nang tao ang ginagamit ang kanilang awtoridad para sa kaligtasan. Samantalang kawawa naman ang mga pobreng napagbibintangang maysala ngunit hindi naman. Kagaya na lang ng kontrobersyal na pagibibigay ng pardon kay Teehankee(apelyido) na hinatulan ng habangbuhay na pagkakabilanggo dahil sa pagpatay sa isang teenager. Sino pa nga ba ang may kapangyarihang magbigay ng pardon? si GMA lang at wala nang iba. kitang kita na hindi siya naging makatarungan dahil pinalaya niya ang napatunayang nagkasala o kriminal. Pangulo siya at dapat ay naging modelo siya ng makatuwirang pamamahala.
Para sa akin naging kriminal narin si GMA sa kalahatan 'di ako masyadong nagtitiwala sa sistemang pangkatarugan dito sa ating bansa. hustisya ang dapat na pinaiiral dahil ito ang magbibigay katiwasayan ng loob sa bawat isa.

Janine Cañonio

Itong paniniwala ko!!

malas at swerte ang nagiging dahilan ng bawat isa sa mga nangyayari sa kanilang buhay. Sa pang araw-araw. masyado kasing mapamahiin tayong mga pinoy kaya umaasa tayo sa ating mga tadhana o kapalaran. Hindi lang natin alam na ito ang resulta ng ating mga aksyon.
Ang malas at swerte ay mga terminong ginagamit ng isang indibidwal upang sabihin kung araw nya ba'y gumaganda o sumama. Ito ay isang kaugaliang pandayuhan, dahil ito'y dala ng mga intsik noong unang panahon, sa kanilang pangangalakal at panunuluyan sa ating bansa. Kung sa kasalukuyan ay siya na mang tawagin nating Feng shui o sistemang fengshui.
Hindi ako naniniwala sa fengshui o malas at swerte, dahil kagaya nga ng sinabo ko, ang mga nangyayari sa atin ay resulta ng ating aksyin. Nasa tao ang kaunlaran kung magtatamad-tamaran o magsisipag buong taon. Mariin kong pinagninindigan na hindi ako naniniwala sa malas o swerte, dahil kailangan ang mga ginagawa natin ay pinag-iisipan at hindi pinagbabasehan lamang ay kapalaran.


Janine Cañonio