"Ang hampas ng pamalo`y nakapangingitim ngunit ang hampas ng dilay dumudurog ng mga bato".Nagunita mo paba?Ang kasabihang sumasalamin sa ating sarili at sa ating kawpa,Ang salaming ito`y nakapag dududlot ng malinaw na replikang nakapag hahandog ng kawili-wiling imahe,imahe ng isang nilalang na may kung anong bagay sa likod,PAKPAK?subalit siya`y hindi isang Anghel.Bagamat iilan lamang ang nakasisila`y sa pakpak na iyon.
Isang malalim na buntong hininga ang syang na ngusap sa mapangalaw kung damdamin,hindi ko mawari ang pait na dumadaloy sa aking mga ugat,sadyang hindi ko gusto ang pakiramdam na ito.Kung maaari ko lang sana silang tulungan ang ay gagawin ko subalit ang lamparang dangan ko`y hindi sapat upang hapyawan ang madilim nilang mundo.Madalas ay hindi ko mapigilang mapaisip sa mga bagay na aking nasasaksihan,lalo pa`t batid ko at sadyang nauunawaan ang kanilang kalagayan.Madalas ko silang masilayan,palipat lipat lamang sila ng lugar subalit ganoon na ganoon din ang kanilang kalagayan.Kung ikaw ay isang taong mapanuri`t nag mamasid ay hindi magiging mahirap sa iyo ang pag unawa sa tauhang bida sa akdang ito.Marahil ay nakita mo narin sila,hindi sila mahirap hanapin,madalas silang nakapuwesto sa lugar na ma tao.Mga nilalang na siyang sumusungaw sa harap ng panindirya o kantina,ng hihingi ng barya at ang ila`y may kakulangan sa kanilang kaanyuan.Ang iba`y nabigo sa kanilang nais nilang makamtan.Mga nilalang na hindi nakatakas sa mapang husgang isip ng tao.Mga mapanirang puro ang pumigtas sa lubid na nag uugnay sa kanila at sa atin.Ang distansiyan kanilang nilikha ay nag dulot ng pag hihiwalay sa pagitan ng mga mapapalad at kapus palad.Sayang may mga taong naliligaw ang paniniwala,yaong mga taong nakikibulyawan at nakikibato sa mga taong wala naman kasalanan.Hindi ba sila nahahabag?Bagamat wala naman silang ginagawa`y Sila itong sinasaktan.Gayun na lamang ang panghahamak ng tao.Sadyang kasuklam suklam na hindi rumerespeto't nagawa pang mang aip.Sa pagbabaggong diwang ito,isang kapansin-pansing pagbabalikwas ang ipinamalas ng ating kapwa mga tao.Sana`y minsang sumagi sa ating isipan ang ginawa ng MABUTING SAMARITANO na tumulong at nag tiwala.Tayo mismo ay may magagawa upang baklasin ang puwang sa pagitan ng bawat isa.Sa ating pakikipag kapwa tao`y madarama natin ang pangkalahatang pag balikwas sa sali-salimoo`t at kuyom ng makasariling damdamin.
Walang pinipiling panahon,oras at tao ang gagawin mong pag tulong.Itoy para sa nangangailan.Itoy isang kadakilaang hindi matatamo ng pinakamayamang tao sa mundo.Ang hakbang na ito ay ikahuhubog ng ating pagiging isang ganap na tao na syang may pusong nakadarama ng pangunawa at pagmamahal.Ang pag kilala sa kanila ay syang pinaka mainam na daan.Ngayon na ang simula ng pagkikintal ng upos na kandila na nag bubunsod na isang bagong nilalang.Itong ang "TAMANG ORAS",Tayo na`t MAG ISIP,MAGSIKAP at MAGBAGO!Simulan mo,susunod ako,siya,sila,TAYO"At yan ang katuturan.
Thursday, October 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment