Thursday, October 23, 2008

Ang Itim na Tupa sa Buhay nila

Pwede kang mamili ng iyong kaibigan pero hindi ang iyong Pamilya sabi nga sa isang kasabihan. Sabi ko naman "ah! ganun ba? kaya naman pala!!" sana naging anak na lang ako ni Bill Gates o kya ni George at Laura Bush o ermat ko na lang ang may-ari ng Loreal Paris. pwede rin namang ampon ni madonna o kaibigang pinakamatalik ni Mariah Carey.
Ito ang mga ilusyong sumasagi sa isipan ko kapag inis na inis na ko, Ang sarap manakal, manambunot, at kung minsan pag depress dahil sa mga problema at sa sariling PAMILYA!! di ko alam munan, bat di nila ko maintindihan, lalo na ang mama ko at ang epalogz kong kuya, akala mo nakakain ng puwet ng chickens yung bunganga parang sharine gun. palagi ko namang tinatandaang concern daw sila, pero O.A na ha!! ginagawa nila akong bata, sabagay cute, weeeehh ang baho!!! ipapadala nga daw nila ako sa Boystown kahit babae ako, kasi Supertudamax daw nga ang kakulitan ko itetch. Minsan talaga gusto na lang munang lumayo, kya nga lang kung anu-anong kagagahan ang naiisip ko, Dahil lang talaga sa kanila at wala nang iba!! kaya pag may oras nagpapagabi nalang ako ng uwi para pagdating ko ng bahay tulog na lang diba? sana alalanin naman nilang teenager ako, kami ng ate ko hindi kamo naglalaro lang sa araw-araw. kailangan naming magkaroon ng kaibigan kasi bugbog sa 'min yun pag wala kaming ganun!! diba? alam naman namin ang aming mga limitasyon at hindi namin hinahayaang lumagpas doon.
Pero sa kabila ng lahat pamilya ko pa rin sila. Sila ang nasa tabi ko sumulat sapul hanggang sa binabasa mo ang liham na ito, sila ang humubog ng katauhan, ang nagturo sa akin na moralidad sa iba't-ibang aspeto ng buhay at dapat ay dala ko san man ako makarating. Kaya sa mga kabataan diyan, tandaan ang pamilya nyo pa rin paglubog ng araw, ang siyang huling gagabay sa inyo!


Janine CaƱonio

No comments: