Thursday, October 23, 2008

Minamalas ka nga ba talaga o sine Swerte!


Ang Malas at Swerte ay naka ugalian ng banggitin ng mga Pilipino at hindi lang sa pananalita gayundin sa kinaugaliang pamumuhay. Ang malas at Swerte ay paniniwala ng tao sa pagkakaroon ng kahulugan sa bawat bagay kung siya tlaga ay malas at swerte para magkaroon ng batayan sa kanyang pamumuhay ngunit dapat ba natin paniwalaan ang malas at swerte.
Ang aking kamag-aral na itatago nalang natin sa pangalan "BUGOY" si bugoy ay naniniwala sa swerte at malas sa pamamagitan
ng pagkukumpara sa bawat mga nakikitang mga bagay. Siya ay nagiging Swerte kapag hindi niya na naakatuhan ang kanyang ina na nagagalit sapagkat si bugoy ay ubod ng pasaway kaya puro konsumisyon ito sa magulang dahil siya ay umuuwi ng tahanan sa oras 10:30pm at partida walang tangghalian at ang kinain lang ay Cream-O at wala ring hapunan kya hindi siya pinapapasok ng kanilang tahanan ngunit pagkalipas ng trenta minutos ay papasukin na sya at pagsasabihan. Siya naman ay nagiging malas pag nakikita si J.M sapagkat pag nakaksalubong pa lang nya ay aasarin sya nito ngunit hindi papatalo ang ating bida siya din ay lumalaban sa isang debate ngunit kahit anong gawin nya siya talaga ay minamalas.
Ang Swerte at Malas ay nasa isip lang ng tao at bagamat maari mo itong iwasan kung ito ay aalisin mo sa iyong paniniwala at magkakaroon ka ng mas maayos at bagong pananaw sa iyong buhay.


Richtom R. Mamales

No comments: