Ang buhay ay isang lupon ng mga akdang tinatalaan natin araw-araw ito'y ang mga likhang sining na binubudburan natin ng ibat-ibang pintura, Ito'y isang makulay na seda na ating hinahabi at nilalagyan ng mga kaakit-akit na burda, at tayo mga nilalang ang siyang guguhit at huhulma sa ating mundo.
Hindi ko na siya nasisilayan sa ngayon sa maingay at magulong silid aralan ko siyang unang natagpuan. Sa isang lumang upuan di kalayuan sa aking kinalalagyan. Madalas siyang sumungaw sa durungawan na animo'y naaliw sa mga balumbon ng ulap sa himpapawirin, At kung minsan ay tahimik na pinagmamasdan ang mga markang nakasulat sa kanyang upuan. Isang imahe nang nagiisang kaluluwa, mapanglaw, Madilim , Nangungulila...ang kanyang mundo'y malayo sa aking pinag mamasdan. Ilang milya ang pagitan. Subalit sa aking puso'y may isang tinig na nanambitan at ito ang nag-udyok sa akin na buksan ang kahong kanyang kinalolooban. Bihirang bihira ko siyang makitang naka ngiti, bihirang bihira.
Sumapit ang kaumagahan at sa di inaasahang pagkakataon ay nagkasabay kaming pumasok. Kapwa kami humahabol sa oras sapagkat malapit narin kaming mahuli. Nilingon ko sya at nagtagpo ang aming mga mata, ako'y ngumiti, at sa kauna-unahang pagkakataon nakakatanggap ako ng isang magiliw na reaksyon mula sa kanya. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. "Tara na!" hinawakan ko ang kanyang kamay at sabay at sabay naming tinahak and daan patungo sa aming silid aralan. Muli syang ngumiti, Isang isang ngiti na walang pangamba. Isang ngiting matagal ko nang nakahimlay sa tahimik nyang personalidad. At iyon ang simula ng pagkakaroon ng liwanag sa madilim nyang sangtuaryo. Naging malapit kami sa isa't-isa, Walang minutong hindi kami nag uusap at tumatawa sa ilang mga biro. Ang aming pagkakaibigan ay nagtigib ng pag-asa at pangarapin. Nasaksihan ko ang unti-unting pagkabasag ng boteng kanyang kinakukulungan. Tuluyan kong nakita ang kanyang pagbabago, patuloy na humihigpit ang lubid na nag-uugnay sa aming dalawa at masasabi ngang kami'y naging "isa". bukas kami sa lahat ng suliranin, panaghinip, lihim...sa lahat! sapat nang kami'y magkasama, Sapat nang kami'y masaya at nagkakaunawaan. Ang sabay naming pagtibag ng mga bloke ng bato ang sya'ng nabukas ng pintuan sa kanyang kahon. Ngunit sa gitna ng aming makukulay na linya nanahan ang ilang lamat, lamat na pinilit kong tagpian at idikit.
Dumadalas na ang kanyang pagliban bunga ng isang sakit, Sakit ng siyang humihila sa kanya palayo sa akin, Subalit hindi akong pumayag na mawala ang buhol sa lubid naming dalawa. Maraming paraan!!! kailangang manatiling bukas ang aming komunikasyon kailagan ko syang sagipin! hindi ko nais na bumalik ang mapanglaw nyang sangtuwaryo.ang mapanglaw nyang puso! natakot ako, ang pangambang baka muli pang maulit ang kanyang pag-iisa, Labis akong nangungulila, Akoy animo'y isang tupang naligaw sa gitna ng kagubatan. Batid kong nadarama niya ang kalungkutan..Dama ko.
Subalit alam kong hindi rin ito magtatagal, ang unos ay titila rin. Mahal namin ang isa't-isa at batid kong makakayanan namin ito, Ang mga pagsubok ng siyang huhulma sa aming pagkatao. Sa kabila ng lahat narito parin ako't naghihintay. Nakahanda parin ang aking kamay upang tagpian ang dalawang lubid. Ang paggunita ko sa kanya ay isang katamisang handog na sa kaibutura'y sisilang ang isang PANALANGIN!!!
Belen E. Casin

No comments:
Post a Comment