Friday, October 24, 2008

Nood tayo......Anong channel?

Nanood ka ba ng programa sa telebisyon? Madalas mo na bang itong ginagawa o adik ka na sa panonood nito? bakit nga ba mas marami sa mga bata ay mas gusto pang manood sa telebisyon kaysa mag-aral ng kanilang leksyon?
Dahil sa mataas na antas ng teknolohiya ay nabuo ang telebisyon na halos lahat ng pamilya sa buong pilipinas ay mayroon nito. Ang panonood ng telebisyon ang interes ko ito ang pinakapaborito kong ginawa kapag wala akong ginawa, paano'y buong araw na akong nakababad sa panonood. Halos kabisado ko na nga ang lahat ng programa at channel nito.
Pero dahil nga sa telebisyon ay maraming kabataan ang hindi nakapag-aral hindi rin sila nakagagawa ng takdang aralin at kung minsan at ayaw na nilang pumasok pero iba ako sa kanila. ako sa pag-aaral at may oras ako sa panonood ng telebisyon.


Estela Tuscano

No comments: