Thursday, October 23, 2008

"Ang Punong kahoy"


Ang aming pamilya`y tila isang mayabong na punong kahoy na may malalaki at malalalim na ugat,na sa katanghalia`y nakapagbibigay ng ganap na lilim sa gitna ng malabolang apoy na sikat ng araw.Ito`y may matatayog na sangang kung sisilipin mula sa ibaba ay masisilayan ang mala magnetong kislap ng diamante sa pag tama ng silahis ng araw sa mga dahon nito,Ito`y may malalawak na sangang kinalulugdang dapuan ng mga ibon sa umaga.Kung ito nama`y tatanawin mula sa itaas ay animoy isang nakadipang krus na nag bibigay pugay sa Poong Maykapal.Ganito ang aming pamilya
Kung baga sa puno`y siya ang ugat;At gaya ng nalalaman ng lahat.Ang ugat siyang may ganap na rispunsibililidad sa pag likom ng mga mineral sa kalupaan upang dumalo`y ang katas nito mula sa mga sanga hanggang sa mga dahon.Siya`y matikas at sadyang nag papanday ng aming kagandahang asal.Siya rin ang batas ng aming tahanan na humuhulma sa mga kamaliang aming nagawa.Isang amang malimit mag salita subalit malaman,Malalim at makabuluhan.Ang kanyang mga katagay niyayapos ang aming nagugumilihanang diwa at siya`y mahalaga...........sadyang mahalaga".Hindi tuwirang magiging matikas ang isang punong kahoy kung wala ang pundasyon nitong mga katawan at sanga ang siyang sumasalo sa malakas na hampas ng hangi`t ulan.Ang siyang dinadaluyan ng maprosesong paglikha ng pagkain.Siya ang nag tatahip ng aming mga karunungan at ang kanyang maaamong mata`y kakikitaan ng pag unawa.Siya`y sadyang mapag aruga at tuluyang dakila.............Ang aking ina ...............walang katulad.At sa pag ihip ng nagraragasang amiha`y sasabay rito ang mga daho`t bunga na animo`y balirinang nakikisayaw sa awit ng hangin.Kami ang matatamis at makukulay na biyas na bungang nag kapag hahatid ng isang masaganang panahon.Hindi namin maikakaila na minsan naring naging mapait ang mga biyas na bungang ito sa pag lipas ng panahon dangan ang malaking pag babago subalit kami`y nananatili paring nakahimla`y sa isang matikas na punong ito ilang,hagupit man ng uno`s ang tuluyang humampas sa matatamis na biyas ng bungang ito.
Ito ang aming pamilya nakalulugdang isiping kami`y nananatiling nakatayo sa gitna ng lahat ng pagsubok.Ilang lamat na ang nag marka sa punong kahoy na ito at ito`y isang marka ng katatagan sa gitna ng madilim na kahapong nag daan.Ang pagmamahal, tiwala at respeto ang siyang humulma ns a punong kahoy na ito upang marating ang makulay na pisngi ng kalangitan at humalik sa nag pupugay na puong may kapal.ito ang kadakilaang naidudulot ng aming pamilya.

No comments: