Thursday, October 23, 2008

Katarungan, Nasaan ka?

Ang lahat ng tao'y pantay-pantay walang mahirap at walang mayaman, Pero sa ngayon iba na ang panahon. Ang mayayaman ang nasa ibabaw at ang mahihirap naman ang nasa ilalim. Nagiging makapangyarihan ang mayayaman dahil sa kanilang salapi, at impluwensya, Ang mahihirap naman ay lalong nasasadlak. Sa ngayon ang buhay mg tao'y parang isang laro Lamang, May mga taong namamatay, Na wala man lang hustisyang nagaganap at ang mga mayayaman naman ay kapangyarihan at impluwensya lamang ang ginagamit upang sila'y makaka abuso sa kapwa nilang tao at sa halip na tulungan nila, Sila pa ang nagpapahirap.
Minsan, Dumarating sa buhay natin ang isang pangyayari na di natin inaasahan, Ang pagkamatay na wala man lang hustisya, Ang hustisya ay mahalagaaaaa, Dahil ito'y nagbibigay katarungan sa isang taong sumakabilang buhay. Sa Tekstong "Walang Panginoon", ipinapakita dito ang kawalan ng hustisya at panginoon Ang mga tauhan dito, namatay ng wala man lang hustisya at hindi alam ang pangyayari o ang dahilan at ang isang tauhan naman kapangyarihan lamang ang ginagamit at impluwensta at wala siyang kinikilalang panginoon. Dito ipinapakita ang di pagpapahalaga sa hustisya.
Ang hustisya, Mahalaga ito sa isang taong sumakabilang buhay, Sapagkat dito mo malalaman ang dahilan o pagkamatay ng isang tao at kung walang hustisya, hindi matatahimik ang kaluluwa ng isang tao. Ang hustisya na ang gaganti para hindi para makagawa ng isang bagay na masama.


Estela Tuscano

No comments: