May mga taong inaasa na lamang sa kapalaran ang kanilang buhay, may pagkakataon pa ngang” bahala na “ang syang nagiging panuntunan. Yaong mga taong susmusunod na lang sa rumaragasang agos at hindi na nagkakapagtatala ng mga bagong karanasang ika huhulma nila bilang isang anyo ng subok na’t dakilang nilalang.Mga nilalang na sumusugal sa isang walang kasiguraduhang hakbang.Ang hakbang patungo sa isang matuwid na kinabukasan.Subalit ang pagtahak sa landas na ito’y mapalinlang’ sapagkat ang sanga-sangang daan itoy inililigaw ang marupok na isipan ng tao.
Minsan nang dumapo sa aking gunita ang isang karanasang nagmarka at nagiwan ng mga supling na tanong ”ito ba’y itinadhana? O sadyang nagkataon lamang?” At ang mga katanungang ito’y kumwestyon sa aking paniniwala. Ang bawat isa sa atin, gaya ng nalalaman ng lahat ay may kani-kaniyang pinaniniwalaan o pinanghahawakang prinsipyo sa buhay. Subalit sinong musmos ang siyang hindi dumaan sa mga pamahiing minsan ding ikinakunot ng mga nuo. ”Masama ang magwalis sa gabi mamalasin tayo!” pamahiing naging bahagi na ng kultura natin at para sa ikagigiliw ng pagpasok ng kasuwertihan, bagamat sa murang isipa’y namulat tayo sa paniniwalang ito at hindi natin maaring ikubli ang mga katanungan umusbong sa ating paglaki. Madalas ko siyang kakitaang tangan-tangan ang isang maliit na aklat. Isang aklat na naglalaman ng mga larawang nakikita ko lamang sa aking panaghinip. Kung minsa’y naglalaro sa aking isipan ang kasabikang mabuklat kot’ mabatid ang nilalaman ng aklat na iyon. Minsa’y nakita ko iyon sa lumang tukador ni ama at dulot ng aking mga tanong, Binuklat ko ang luma nitong mga pahina, “ORACULO”, Isang aklat na naglalaman ng mga interpretasyon ng ating mga panaghinip, Hindi ko lubusang maisip kung bakit ni ama pinaniniwalaan ang akdang iyon, Marahil ay marami ding tanong si ama. Subalit umusbong sa akin ang ideyang ito’y upinion lamang ng isang manunulat, “logic ika nga”. Sa aking paglaki, ang mga kaalamang syang binihisan ng magandang kaanyuan ang siyang nagbigay kamulatan ukol sa aking paniniwala, ang kamalasan at kasuwertihan ng taoy isang banghay lamang ng lupon ng kanyang karanasan. Ang tuwirang pag-uuri sa maganda at dikanais nais na kaganapan sa buhay, tayo mismo ang siyang mayhawak ng ating kapalaran. Tayo ang lumilikha n gating kamalasan at kasuwertihan. Ito ang bunga n gating mga ginawa tayo’y papalarin kung gugustuhin natin. Tayo mismo ang siyang may kakayahang panghawakan an gating sariling buhay. Tayo’y pinagkalooban ng sapat na kaalaman upang mabatid natin ang mga kasagutan sa libo-libong mga tanong. Kadalasan ang paglalaan ng sarili sa kapalaran ay nagdudulot ng pagsisisi, kaya marapat lamang na siguraduhing tayo’y responsible sa bawat laro ng buhay, upang hindi tayo mabigo at magsisi sa huli!
Belen E. Casin
No comments:
Post a Comment