Thursday, October 23, 2008

Hustisya para sa lahat


Hustiya na ang ibig sabihin ay pagkakapantay pantay o pagkakaroon ng katarungan sa bawat tao sa lipunan. Hindi ito basehan kung ikaw man ay maimpluwensya,Mayaman o Mahirap, sa nationalida ng tao puti man o itim ay walang pinipili sa larangan ng Hustisya. Ngunit ngayon ay napapahalagahan pa ba ang hustisya. Marami sa ating mga kababayan ang nagdurusa dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng mga dayuhan, Mayroon tayong nababalitaan na maraming pilipino na kinukulong ng walang kasalanan at minsan pa nga ay humahantong sa kamatayan, Sa larangan naman ng antas ng pamumuhay hindi dyan mawawala ang Mayaman at Mahirap sapagkat ang mayaman at mahirap ay mayroong hindi pagkakapatay na pagtrato may mga among mayayaman ay inaalipin ang mga katulong nila sa bahay halos mapatay na ng amo ang kanilang katulong sa kaka bugbog, Sa larangan naman ng hustisya malimit lang sa mahihirap ang magkaroon ng hustisya sapagkat ang mga mayayaman lang ang madalas na nakakamit ng hustisya sa pamamagitan ng salapi at kung hindi natin ito maiiwasan iikot nalang ang ating mundo sa maling pananaw. Hindi dapat inaayon sa antas ng pamumuhay ang hustisya bagamat kailangan ito ng bawat mamamayan upang magkaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay dahil kung wala tayong hustisya tuluyan na mahihirapan ang mga mahihirap dahil sa hindi pagkakapantay pantay na paniniwala.


Richtom R. Mamales

No comments: