Thursday, October 23, 2008

buhay ng aming pamilya


Ang Pamilya, matatawag lamang na pamilya ang isang tahanan kung mayroong itong Ama,Ina at mga anak, ang ama ang haligi ng tahanan siya ang pumupunan sa pangangailagan ng pamilya, ang ina naman ay tumayong ilaw ng tahanan na madalas lang nasa tahanan at gumagawa ng mga gawaing bahay ngunit karamihan ng mga ina ngayon ay nag ta-trabaho na rin upang magkaroon ng sapat na pagkain sa araw-araw at pati ang anak ay meron ding munting tungkulin sila ang tumutulong sa gawaing bahay at nagbibigay saya sa mga magulang.
Ang aming pamilya ay hindi ko masasabing simple lamang sapagkat halos lahat ng aming luho ay naiibigay na at mayroon akong limang kapatid at ang tatlong nakakatanda ay nakapag asawa na. Katulad din nang mga karaniwang mga pamilya mayroong mga patakaran at iyon ang paglilinis ng tahanan kami ay nagtutulungan sa mga gawaing bahay kapag walang pasok naglilinis ng mga kagamitan, pagpupunas ng bintana ang aking gawain sa aming tahanan at ako rin ang taga ayos ng magulong kama. Ngunit hindi lahat nang batas sa aming tahanan ay aking nasusunod isa na rito ang pagigigng tamad tuwing ako ay inuutusan at ipapapasa ko ang utos sa nakababata kong kapatid at hindi mo ako mauutusan hanggang ako ay nakaupo sa aming computer bagamat napapasunod din ako sa aking ina kapag siya na ay nag ngangalit na, kahit ganon nagkakaroon ng kami ng katuwaan, kwentuhan tuwing kami ay nasa hapag kainan na, nagagalit din ang aking ina tuwing hindi kami nagkakasabay sabay sa pagkain at yan ang kwento ng aking pamilya.
Nakakatuwa mang isipin ang bawat magulang ay may kanya kanya diskarte upang maitaguyod ang and pamilya at sa bawat pagsubok ng buhay ay kayang kaya nating lampasan basta tayo ay magtutulungan.


Richtom R. Mamales

No comments: