Friday, October 24, 2008

aking Sariling interes


Ang Sariling interes para sa akin ay ang pagkakaroon ng hilig sa isang bagay o kung gusto mong makamit ang isang mo minimithi at ito rin ay parang bisyo na paulit-ulit mo ginagawa. Lahat ng tao ay mayroong interes ngunit lahat ay mayroong pagkakaiba.
Ang aking sariling interes ay ang pagkahilig sa pag lalaro ng Online games at iba pang computer games tulad ng paglalaro ng Dota,Cabal,Ragnarok at iba pa. Marami akong ka jamming sa paglalaro ng mga Computer Games sila ay sina Erold R. Garcia,Claudio A. Olarita at si Randhel P. Bania sila ay mga adik at minsan ay pare-pareho kaming hindi kumakain para makapaglaro.Ngunit mayroon hindi kadandahang epekto ang paglalaro ng computer games tulad ko ay na aadik sa pag lalaro ng CABAL ako ay inaabot na 2:00 ng umaga sa paglalaro tuwing biyernes at sabado tuwing Linggo hanggang huwebes ako ay natutulog na ang 10:30pm kaya puro kutos na malutong at sermon ang inaabot kaya ako ay nag-aalala dahil konsumisyon ang inaabot ng ina ko sakin.
Ang Sobra ay Masama kaya lahat ng bisyo ay maaring maiwasan kung ito ay iyong kokontrolin sa pamamagitan ng iyong disiplina dahil kung wala kang disiplina hindi mo ito maiiwasan kaya sa mga taong nasosobrahan sa kanilang interes hinay hinay lang.


Richtom R. Mamales

Pagtulong sa Kapwa

Nang ako'y dumaan sa kalye na aming pinuntahan aking napagisipan ang hirap na kanilang pinagdaanan kaya naisip kong mag seryoso sa buhay upang hindi magaya sa ilang taong aming naabutan sa kahabaan ng Divisoria.
Ito si Joemari na aking tinutulungan isang batang snatcher na kahabag-habag wala ng mga magulang, walang permanenteng tahanan at ang masakit walang kasuotan kya aking pinaalan sa ikinauukulan ang batang snatcher na aking nadaan upang magkaroon ng magandang buhay. Kaya agad siyang dinampot ng pulisya dahil siya'y wanted na at ako'y nasiyahan sa aking nagawang kabutihan ang paggawa ng mabuti ay nakapagpapagaan ng isipan.
Sana ako'y inyong tularan sa aking pagtulong sa aking kababayan na walang tirahan para sa mga taong gusto ng magbigay tulong sana'y tulungan nyo ang inyong sarili at ang mga taong naliligaw sa landas katulad ng kababayan.


Claudio A. Olarita

Nood tayo......Anong channel?

Nanood ka ba ng programa sa telebisyon? Madalas mo na bang itong ginagawa o adik ka na sa panonood nito? bakit nga ba mas marami sa mga bata ay mas gusto pang manood sa telebisyon kaysa mag-aral ng kanilang leksyon?
Dahil sa mataas na antas ng teknolohiya ay nabuo ang telebisyon na halos lahat ng pamilya sa buong pilipinas ay mayroon nito. Ang panonood ng telebisyon ang interes ko ito ang pinakapaborito kong ginawa kapag wala akong ginawa, paano'y buong araw na akong nakababad sa panonood. Halos kabisado ko na nga ang lahat ng programa at channel nito.
Pero dahil nga sa telebisyon ay maraming kabataan ang hindi nakapag-aral hindi rin sila nakagagawa ng takdang aralin at kung minsan at ayaw na nilang pumasok pero iba ako sa kanila. ako sa pag-aaral at may oras ako sa panonood ng telebisyon.


Estela Tuscano

"Musika"

Musika ang buhay na aking pinagmulan, ito rin ang dahilan kung bat ako naglalakbay.
Nauunawaan ko ang isang linya sa kantang ito ng ASIN, nakakarelate ako kumbaga. Simula ng isinilang ako sa munding ito, musika na ang kinahihiligan ko musika ang naging panlipas oras ng musmos kong isipan. Hanggang naging poses na ako dito lalo ngayong isa na akong teenager.Mas naging sentimental na ang mga nahihingan kong pakinggan. Kung susuriin mapapansing parang emo pero hindi masyado lang mahilig sa mga makapagdamdamin mga musika pero nakikinig rin ako ng mas masaya. Natanong mo ba kung bakit ako mahilig ako sa musika? Simple, kasi music is a special therapy para sa mga bigo. para rin sa mga gustong mapag-isa wala akong paki kung mapa pinoy or foreign basta tipo kong pakinggan pakinggan. Isa pa, Musika rin ang dahilan kung baket ako nagpasensya sa mga ginagawa ko kaya nga music will always be my passion.
Kaya para sa mga taong may pangarap sa buhay yakapin ninyo kung anong gusto niyo o sa ibang salita, Passion sa buhay. Kasi dahil ito ang magdadala ko sa inyo sa kung anong gusto niyong gawin.


Janine Cañonio

Sa lansangan

Kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko masyadong maintindihan ang Altruism, iintindihin ko pa rin.
Halos araw-araw nakikita ko sila sa kalsada, sa bangketa sa tabi-tabi, kahit saan!! sila ay kung kaawaan natin ay mga taong grasa. matino naman ang iba kaya lang karamihan talaga ay may sira ang ulo. Siguro dahil sa paggamit ng bawal na gamot at biglang itinigil o kaya naman ay walang pamilya. Minsan ay nagiging problema sila ng gobyerno dahil sa pakalat kalat sa lansangan.
Hindi ko man sabihin, awang-awa ako sa kanila dahil kailangan pa nilang maghanapbuhay araw-araw para sa kakainin nila lalong-lalo na ang mga bata pa lamang, pinapasa ng magulang ang mga responsibilidad sa kanila. Kapag nakakita ako ng mga kagaya nila ay hindi ko na lang sila pinapansin dahil alam kong wala akong maitutulong sa kanilang kahit ano. Hindi ko pinapakita sa kanilang naa-awa ako dahil tao rin silang may damdamin at masasaktan kapag nakalamang maraming naa-awa sa kanila.

Janine Cañonio

Hustisya ang Kailangan!!

Hustisya ang bagay na kailangan ng bawat nasyon at bansa dito sa mundo. Hustisyang makatwiran, Hustisyang walang pinagpanigan at hustisyang hindi tumitingin ng katayuan sa bahay.
Dito sa Pilipinas, hindi ko na nakikita ang hustisyang ito. Marami nang tao ang ginagamit ang kanilang awtoridad para sa kaligtasan. Samantalang kawawa naman ang mga pobreng napagbibintangang maysala ngunit hindi naman. Kagaya na lang ng kontrobersyal na pagibibigay ng pardon kay Teehankee(apelyido) na hinatulan ng habangbuhay na pagkakabilanggo dahil sa pagpatay sa isang teenager. Sino pa nga ba ang may kapangyarihang magbigay ng pardon? si GMA lang at wala nang iba. kitang kita na hindi siya naging makatarungan dahil pinalaya niya ang napatunayang nagkasala o kriminal. Pangulo siya at dapat ay naging modelo siya ng makatuwirang pamamahala.
Para sa akin naging kriminal narin si GMA sa kalahatan 'di ako masyadong nagtitiwala sa sistemang pangkatarugan dito sa ating bansa. hustisya ang dapat na pinaiiral dahil ito ang magbibigay katiwasayan ng loob sa bawat isa.

Janine Cañonio

Itong paniniwala ko!!

malas at swerte ang nagiging dahilan ng bawat isa sa mga nangyayari sa kanilang buhay. Sa pang araw-araw. masyado kasing mapamahiin tayong mga pinoy kaya umaasa tayo sa ating mga tadhana o kapalaran. Hindi lang natin alam na ito ang resulta ng ating mga aksyon.
Ang malas at swerte ay mga terminong ginagamit ng isang indibidwal upang sabihin kung araw nya ba'y gumaganda o sumama. Ito ay isang kaugaliang pandayuhan, dahil ito'y dala ng mga intsik noong unang panahon, sa kanilang pangangalakal at panunuluyan sa ating bansa. Kung sa kasalukuyan ay siya na mang tawagin nating Feng shui o sistemang fengshui.
Hindi ako naniniwala sa fengshui o malas at swerte, dahil kagaya nga ng sinabo ko, ang mga nangyayari sa atin ay resulta ng ating aksyin. Nasa tao ang kaunlaran kung magtatamad-tamaran o magsisipag buong taon. Mariin kong pinagninindigan na hindi ako naniniwala sa malas o swerte, dahil kailangan ang mga ginagawa natin ay pinag-iisipan at hindi pinagbabasehan lamang ay kapalaran.


Janine Cañonio

Thursday, October 23, 2008

Ang Itim na Tupa sa Buhay nila

Pwede kang mamili ng iyong kaibigan pero hindi ang iyong Pamilya sabi nga sa isang kasabihan. Sabi ko naman "ah! ganun ba? kaya naman pala!!" sana naging anak na lang ako ni Bill Gates o kya ni George at Laura Bush o ermat ko na lang ang may-ari ng Loreal Paris. pwede rin namang ampon ni madonna o kaibigang pinakamatalik ni Mariah Carey.
Ito ang mga ilusyong sumasagi sa isipan ko kapag inis na inis na ko, Ang sarap manakal, manambunot, at kung minsan pag depress dahil sa mga problema at sa sariling PAMILYA!! di ko alam munan, bat di nila ko maintindihan, lalo na ang mama ko at ang epalogz kong kuya, akala mo nakakain ng puwet ng chickens yung bunganga parang sharine gun. palagi ko namang tinatandaang concern daw sila, pero O.A na ha!! ginagawa nila akong bata, sabagay cute, weeeehh ang baho!!! ipapadala nga daw nila ako sa Boystown kahit babae ako, kasi Supertudamax daw nga ang kakulitan ko itetch. Minsan talaga gusto na lang munang lumayo, kya nga lang kung anu-anong kagagahan ang naiisip ko, Dahil lang talaga sa kanila at wala nang iba!! kaya pag may oras nagpapagabi nalang ako ng uwi para pagdating ko ng bahay tulog na lang diba? sana alalanin naman nilang teenager ako, kami ng ate ko hindi kamo naglalaro lang sa araw-araw. kailangan naming magkaroon ng kaibigan kasi bugbog sa 'min yun pag wala kaming ganun!! diba? alam naman namin ang aming mga limitasyon at hindi namin hinahayaang lumagpas doon.
Pero sa kabila ng lahat pamilya ko pa rin sila. Sila ang nasa tabi ko sumulat sapul hanggang sa binabasa mo ang liham na ito, sila ang humubog ng katauhan, ang nagturo sa akin na moralidad sa iba't-ibang aspeto ng buhay at dapat ay dala ko san man ako makarating. Kaya sa mga kabataan diyan, tandaan ang pamilya nyo pa rin paglubog ng araw, ang siyang huling gagabay sa inyo!


Janine Cañonio

"Ang Punong kahoy"


Ang aming pamilya`y tila isang mayabong na punong kahoy na may malalaki at malalalim na ugat,na sa katanghalia`y nakapagbibigay ng ganap na lilim sa gitna ng malabolang apoy na sikat ng araw.Ito`y may matatayog na sangang kung sisilipin mula sa ibaba ay masisilayan ang mala magnetong kislap ng diamante sa pag tama ng silahis ng araw sa mga dahon nito,Ito`y may malalawak na sangang kinalulugdang dapuan ng mga ibon sa umaga.Kung ito nama`y tatanawin mula sa itaas ay animoy isang nakadipang krus na nag bibigay pugay sa Poong Maykapal.Ganito ang aming pamilya
Kung baga sa puno`y siya ang ugat;At gaya ng nalalaman ng lahat.Ang ugat siyang may ganap na rispunsibililidad sa pag likom ng mga mineral sa kalupaan upang dumalo`y ang katas nito mula sa mga sanga hanggang sa mga dahon.Siya`y matikas at sadyang nag papanday ng aming kagandahang asal.Siya rin ang batas ng aming tahanan na humuhulma sa mga kamaliang aming nagawa.Isang amang malimit mag salita subalit malaman,Malalim at makabuluhan.Ang kanyang mga katagay niyayapos ang aming nagugumilihanang diwa at siya`y mahalaga...........sadyang mahalaga".Hindi tuwirang magiging matikas ang isang punong kahoy kung wala ang pundasyon nitong mga katawan at sanga ang siyang sumasalo sa malakas na hampas ng hangi`t ulan.Ang siyang dinadaluyan ng maprosesong paglikha ng pagkain.Siya ang nag tatahip ng aming mga karunungan at ang kanyang maaamong mata`y kakikitaan ng pag unawa.Siya`y sadyang mapag aruga at tuluyang dakila.............Ang aking ina ...............walang katulad.At sa pag ihip ng nagraragasang amiha`y sasabay rito ang mga daho`t bunga na animo`y balirinang nakikisayaw sa awit ng hangin.Kami ang matatamis at makukulay na biyas na bungang nag kapag hahatid ng isang masaganang panahon.Hindi namin maikakaila na minsan naring naging mapait ang mga biyas na bungang ito sa pag lipas ng panahon dangan ang malaking pag babago subalit kami`y nananatili paring nakahimla`y sa isang matikas na punong ito ilang,hagupit man ng uno`s ang tuluyang humampas sa matatamis na biyas ng bungang ito.
Ito ang aming pamilya nakalulugdang isiping kami`y nananatiling nakatayo sa gitna ng lahat ng pagsubok.Ilang lamat na ang nag marka sa punong kahoy na ito at ito`y isang marka ng katatagan sa gitna ng madilim na kahapong nag daan.Ang pagmamahal, tiwala at respeto ang siyang humulma ns a punong kahoy na ito upang marating ang makulay na pisngi ng kalangitan at humalik sa nag pupugay na puong may kapal.ito ang kadakilaang naidudulot ng aming pamilya.

"Ang Katuturan"

"Ang hampas ng pamalo`y nakapangingitim ngunit ang hampas ng dilay dumudurog ng mga bato".Nagunita mo paba?Ang kasabihang sumasalamin sa ating sarili at sa ating kawpa,Ang salaming ito`y nakapag dududlot ng malinaw na replikang nakapag hahandog ng kawili-wiling imahe,imahe ng isang nilalang na may kung anong bagay sa likod,PAKPAK?subalit siya`y hindi isang Anghel.Bagamat iilan lamang ang nakasisila`y sa pakpak na iyon.
Isang malalim na buntong hininga ang syang na ngusap sa mapangalaw kung damdamin,hindi ko mawari ang pait na dumadaloy sa aking mga ugat,sadyang hindi ko gusto ang pakiramdam na ito.Kung maaari ko lang sana silang tulungan ang ay gagawin ko subalit ang lamparang dangan ko`y hindi sapat upang hapyawan ang madilim nilang mundo.Madalas ay hindi ko mapigilang mapaisip sa mga bagay na aking nasasaksihan,lalo pa`t batid ko at sadyang nauunawaan ang kanilang kalagayan.Madalas ko silang masilayan,palipat lipat lamang sila ng lugar subalit ganoon na ganoon din ang kanilang kalagayan.Kung ikaw ay isang taong mapanuri`t nag mamasid ay hindi magiging mahirap sa iyo ang pag unawa sa tauhang bida sa akdang ito.Marahil ay nakita mo narin sila,hindi sila mahirap hanapin,madalas silang nakapuwesto sa lugar na ma tao.Mga nilalang na siyang sumusungaw sa harap ng panindirya o kantina,ng hihingi ng barya at ang ila`y may kakulangan sa kanilang kaanyuan.Ang iba`y nabigo sa kanilang nais nilang makamtan.Mga nilalang na hindi nakatakas sa mapang husgang isip ng tao.Mga mapanirang puro ang pumigtas sa lubid na nag uugnay sa kanila at sa atin.Ang distansiyan kanilang nilikha ay nag dulot ng pag hihiwalay sa pagitan ng mga mapapalad at kapus palad.Sayang may mga taong naliligaw ang paniniwala,yaong mga taong nakikibulyawan at nakikibato sa mga taong wala naman kasalanan.Hindi ba sila nahahabag?Bagamat wala naman silang ginagawa`y Sila itong sinasaktan.Gayun na lamang ang panghahamak ng tao.Sadyang kasuklam suklam na hindi rumerespeto't nagawa pang mang aip.Sa pagbabaggong diwang ito,isang kapansin-pansing pagbabalikwas ang ipinamalas ng ating kapwa mga tao.Sana`y minsang sumagi sa ating isipan ang ginawa ng MABUTING SAMARITANO na tumulong at nag tiwala.Tayo mismo ay may magagawa upang baklasin ang puwang sa pagitan ng bawat isa.Sa ating pakikipag kapwa tao`y madarama natin ang pangkalahatang pag balikwas sa sali-salimoo`t at kuyom ng makasariling damdamin.
Walang pinipiling panahon,oras at tao ang gagawin mong pag tulong.Itoy para sa nangangailan.Itoy isang kadakilaang hindi matatamo ng pinakamayamang tao sa mundo.Ang hakbang na ito ay ikahuhubog ng ating pagiging isang ganap na tao na syang may pusong nakadarama ng pangunawa at pagmamahal.Ang pag kilala sa kanila ay syang pinaka mainam na daan.Ngayon na ang simula ng pagkikintal ng upos na kandila na nag bubunsod na isang bagong nilalang.Itong ang "TAMANG ORAS",Tayo na`t MAG ISIP,MAGSIKAP at MAGBAGO!Simulan mo,susunod ako,siya,sila,TAYO"At yan ang katuturan.

Hustisya para sa lahat


Hustiya na ang ibig sabihin ay pagkakapantay pantay o pagkakaroon ng katarungan sa bawat tao sa lipunan. Hindi ito basehan kung ikaw man ay maimpluwensya,Mayaman o Mahirap, sa nationalida ng tao puti man o itim ay walang pinipili sa larangan ng Hustisya. Ngunit ngayon ay napapahalagahan pa ba ang hustisya. Marami sa ating mga kababayan ang nagdurusa dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng mga dayuhan, Mayroon tayong nababalitaan na maraming pilipino na kinukulong ng walang kasalanan at minsan pa nga ay humahantong sa kamatayan, Sa larangan naman ng antas ng pamumuhay hindi dyan mawawala ang Mayaman at Mahirap sapagkat ang mayaman at mahirap ay mayroong hindi pagkakapatay na pagtrato may mga among mayayaman ay inaalipin ang mga katulong nila sa bahay halos mapatay na ng amo ang kanilang katulong sa kaka bugbog, Sa larangan naman ng hustisya malimit lang sa mahihirap ang magkaroon ng hustisya sapagkat ang mga mayayaman lang ang madalas na nakakamit ng hustisya sa pamamagitan ng salapi at kung hindi natin ito maiiwasan iikot nalang ang ating mundo sa maling pananaw. Hindi dapat inaayon sa antas ng pamumuhay ang hustisya bagamat kailangan ito ng bawat mamamayan upang magkaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay dahil kung wala tayong hustisya tuluyan na mahihirapan ang mga mahihirap dahil sa hindi pagkakapantay pantay na paniniwala.


Richtom R. Mamales

Minamalas ka nga ba talaga o sine Swerte!


Ang Malas at Swerte ay naka ugalian ng banggitin ng mga Pilipino at hindi lang sa pananalita gayundin sa kinaugaliang pamumuhay. Ang malas at Swerte ay paniniwala ng tao sa pagkakaroon ng kahulugan sa bawat bagay kung siya tlaga ay malas at swerte para magkaroon ng batayan sa kanyang pamumuhay ngunit dapat ba natin paniwalaan ang malas at swerte.
Ang aking kamag-aral na itatago nalang natin sa pangalan "BUGOY" si bugoy ay naniniwala sa swerte at malas sa pamamagitan
ng pagkukumpara sa bawat mga nakikitang mga bagay. Siya ay nagiging Swerte kapag hindi niya na naakatuhan ang kanyang ina na nagagalit sapagkat si bugoy ay ubod ng pasaway kaya puro konsumisyon ito sa magulang dahil siya ay umuuwi ng tahanan sa oras 10:30pm at partida walang tangghalian at ang kinain lang ay Cream-O at wala ring hapunan kya hindi siya pinapapasok ng kanilang tahanan ngunit pagkalipas ng trenta minutos ay papasukin na sya at pagsasabihan. Siya naman ay nagiging malas pag nakikita si J.M sapagkat pag nakaksalubong pa lang nya ay aasarin sya nito ngunit hindi papatalo ang ating bida siya din ay lumalaban sa isang debate ngunit kahit anong gawin nya siya talaga ay minamalas.
Ang Swerte at Malas ay nasa isip lang ng tao at bagamat maari mo itong iwasan kung ito ay aalisin mo sa iyong paniniwala at magkakaroon ka ng mas maayos at bagong pananaw sa iyong buhay.


Richtom R. Mamales

buhay ng aming pamilya


Ang Pamilya, matatawag lamang na pamilya ang isang tahanan kung mayroong itong Ama,Ina at mga anak, ang ama ang haligi ng tahanan siya ang pumupunan sa pangangailagan ng pamilya, ang ina naman ay tumayong ilaw ng tahanan na madalas lang nasa tahanan at gumagawa ng mga gawaing bahay ngunit karamihan ng mga ina ngayon ay nag ta-trabaho na rin upang magkaroon ng sapat na pagkain sa araw-araw at pati ang anak ay meron ding munting tungkulin sila ang tumutulong sa gawaing bahay at nagbibigay saya sa mga magulang.
Ang aming pamilya ay hindi ko masasabing simple lamang sapagkat halos lahat ng aming luho ay naiibigay na at mayroon akong limang kapatid at ang tatlong nakakatanda ay nakapag asawa na. Katulad din nang mga karaniwang mga pamilya mayroong mga patakaran at iyon ang paglilinis ng tahanan kami ay nagtutulungan sa mga gawaing bahay kapag walang pasok naglilinis ng mga kagamitan, pagpupunas ng bintana ang aking gawain sa aming tahanan at ako rin ang taga ayos ng magulong kama. Ngunit hindi lahat nang batas sa aming tahanan ay aking nasusunod isa na rito ang pagigigng tamad tuwing ako ay inuutusan at ipapapasa ko ang utos sa nakababata kong kapatid at hindi mo ako mauutusan hanggang ako ay nakaupo sa aming computer bagamat napapasunod din ako sa aking ina kapag siya na ay nag ngangalit na, kahit ganon nagkakaroon ng kami ng katuwaan, kwentuhan tuwing kami ay nasa hapag kainan na, nagagalit din ang aking ina tuwing hindi kami nagkakasabay sabay sa pagkain at yan ang kwento ng aking pamilya.
Nakakatuwa mang isipin ang bawat magulang ay may kanya kanya diskarte upang maitaguyod ang and pamilya at sa bawat pagsubok ng buhay ay kayang kaya nating lampasan basta tayo ay magtutulungan.


Richtom R. Mamales

Ang aking Sariling Interes


Ang Bawat tao ay may sariling kakayahan at ang bawat tao ay may sariling pangangailangan at ang bawat tao'y may sariling interes sa buhay. Para sa aming interes ang computer ay isa ring libangan na para sa iba'y kalokohan.
Ang computer na aming nalalaman ay prang isang bisyo na mahirap tigilan kya minsan nakalilimutan na namin ang aming gawain na ginawa ng assighment, kaya minsan humahantong sa pagkagalit ng aming mga magulang na minsa naging dahilan na hindi na ako makalabas ng bahay pa minsan minsan. Kaya minsan naisip kong tumigil na lamang pero nung kinalaunan hindi ko natiisan kaya akoy bumalik na lng upang tapusin ang nasimulan doon sa tambayan ng aming bayan walang iba kundi sa Computeran ni kuya Jun na malapit sa pabaya na langing may digmaan.
Sana'y inyong napagisipan ang iyong gagawin upang hindi kayo matulad sa akin na walang kapakinabangan.


Claudio A. Olarita

Hustisya


Hustisya ay kailangan sa isang bayan o bansa upang mapayapa di lang ang ating bayan kundi narin sa ating kalooban sa pagiging patas sa anumang dagok ng iyong buhay at hindi nanglalamang ng mas mababa sa estado ng iyong pamumuhay mo.
Mahalaga ang pagkakaroon ng hustisya sa ating bayan upang magkapantay pantay ang kahit sino man sabi nga ng mga matatanda "aanhin pa ang Dora/Racumin mga rat killer kung walang nmang daga" at sabi naman ng bata "kainin mo na lamang iyan at ako'y matutuwa" pinahihwatig lamang nito na kailangan ang kahit ano man kahit daga sa ating lipunan.
Sana'y naging isang aral sa ating magpahalaga sa kahit saan kahit na dagang ating kinakatakutan at kinaiinisan.


Claudio A. Olarita

Malas at Swerte


Ang malas at swerte ay galing sa salitang ingles na luck and badluck na ang ibig sabihin ay walang iba kundi Malas at Swerte. Ang Malas at Swerte ba ating pinaniniwalaan na para sa iba ay ito'y katotohanan.
Kaya narito ako ngayon upang tuparin ang iyon hinihiling na ating aalamin ang misteryong nakabitin o nakapailalim sa Malas at Swerte ang ating aalamin. Ito si Enteng Loko Loko na mahilig sa sugal, experto marahil na rin sa lagi siyang nananalo sa piko at naniniwala na ang kanyang damit ang nagbibigay ng swerte sa kanyang pagkapanalo Kaya lang siya ay nilapitan, iyong madadama ang prisensya mg kanyang kaluluwa heto naman si UNDO isang batang masipag, Matiyaga at eksperto dahil na rin siya'y matiyagang naghihintay ng kanyang pag kapanalo at eksperto sa pagkatalo pero hindi siya naniniwala sa taong malas. Dahil wala pang natatagpuang taong kasing malas niya.
Salamat sa matiyagang pagbabasa at sana'y nakapulutan kayo ng aral ang kwento ng dalawang siraulo.



Claudio A. Olarita

Familia


Ang pamilya ay galing sa salitang ingles na "family" na ang ibigsabihin ay pamilya o ang pinkamaliit na yunit ng pamayanan ang pamilya rin ang nagbubuklod-buklod sa ating mga Pilipino. Isang malaking halmbawa ang ating pamilya.
Di naman kalakihan ang aming pamilya hindi tulad sa iba o aming kapitbahay na isa lamang o halos binubuo ng isang barangay ang dami at hindi rin tulad pa ng isa pa naminh kapitbahay na kung isa lang ang iyong makaaway ay susugod na ang isang barangay, at lalong hindi rin katulad ng aming kapitbahay na kakasal pa lamang ay tatlo na ang anak o sa madaling salita mahigpit sa tatlumpu o tatlong dosena. Marahil alam nyo na kung ilan kaming magkakapatid hindi kami dalawa at hindi rim kai tatlo dahil kami ay apat at dala na rin minsan kapag sabado o linggo ako'y hindi na minsan kumakain ng agahan at minsan hindi rin tanghalian at minsang nagkataong hindi naman ako kumain at hindi rin ako nakapasok ng bahay namin ng trenta minutos kasama ang aking pinsan na adik sa CABAL siguro, malamang, marahil nakalimutan na naming kumain.at minsan ding nagkataon na dinala ng aking kapatid ang aking bag at sinabing "Wag ka nang uuwi". Pero kahit ganon ang aming buhay kami'y masaya pa rin kami dahil magkakasama.
Marahil kayo'y na antig sa storya ng aking buhay sana'y maging isa itong gabay sa araw-araw na pamumuhay.


Claudio A. Olarita

Hindi Hadlang and pagkakaroon ng kapansanan

Lahat ng tao ay hindi perpekto. May mga taong kulang ang kanilang pangangatawan o sabihin na nating mayroong kapansanan. Tayo masabing pinagpala sapagkat binigyan tayo ng ating panginoon ng kumpetong pangagatawan, Hindi tulad ng iba sila'y nangungulila dahil hindi sila nabigyan ng kumpletong pangangatawan ay mahirap ng kumilos, Lalo na kapag bulag ka, Hindi mo makita ang gusto mong makita, Hindi ka makagalaw pero dapat maging matatag ka at magtiwala ka sa iyong sarili.
Minsan Nakakakita tayo ng may taong kapansanan, Pero dapat wag nating kutyain dahil sila'y taon rin, May puso't damdamin. Pero ang ibang tila isang manhid o walang kunsensya. Nangungutya ng may mga kapansanan dahil iniisip nila ito'y "Salot sa Lipunan" pero dapat nating igalang din silay kapwa natin tao.
Ako....minsan kapag nakakakita ako ng taong may kapansanan , Lalo na ang mga bulag, Tila ako ang nahihirapan sa kanila dahil hirap silang kumilos at makakita at nakakaawa silang tignan. Hindi lang sa awa pati ang hirap nilang dinaranas. dapat magmalasakit tayo sa kanila sa pamamagitan ng tulong o pagsuporta o sa kanila dahil dito lumalakas ang kanilang loob at sa mga taong may kapansanan sana maging matatag kayo, Magkaroon ng tiwala sa sarili at harapin ang anumang pagsubok. Hindi Hadlang ang pagkakaroon ng kapansanan sa buhay.


Estela Tuscano

Katarungan, Nasaan ka?

Ang lahat ng tao'y pantay-pantay walang mahirap at walang mayaman, Pero sa ngayon iba na ang panahon. Ang mayayaman ang nasa ibabaw at ang mahihirap naman ang nasa ilalim. Nagiging makapangyarihan ang mayayaman dahil sa kanilang salapi, at impluwensya, Ang mahihirap naman ay lalong nasasadlak. Sa ngayon ang buhay mg tao'y parang isang laro Lamang, May mga taong namamatay, Na wala man lang hustisyang nagaganap at ang mga mayayaman naman ay kapangyarihan at impluwensya lamang ang ginagamit upang sila'y makaka abuso sa kapwa nilang tao at sa halip na tulungan nila, Sila pa ang nagpapahirap.
Minsan, Dumarating sa buhay natin ang isang pangyayari na di natin inaasahan, Ang pagkamatay na wala man lang hustisya, Ang hustisya ay mahalagaaaaa, Dahil ito'y nagbibigay katarungan sa isang taong sumakabilang buhay. Sa Tekstong "Walang Panginoon", ipinapakita dito ang kawalan ng hustisya at panginoon Ang mga tauhan dito, namatay ng wala man lang hustisya at hindi alam ang pangyayari o ang dahilan at ang isang tauhan naman kapangyarihan lamang ang ginagamit at impluwensta at wala siyang kinikilalang panginoon. Dito ipinapakita ang di pagpapahalaga sa hustisya.
Ang hustisya, Mahalaga ito sa isang taong sumakabilang buhay, Sapagkat dito mo malalaman ang dahilan o pagkamatay ng isang tao at kung walang hustisya, hindi matatahimik ang kaluluwa ng isang tao. Ang hustisya na ang gaganti para hindi para makagawa ng isang bagay na masama.


Estela Tuscano

Weder- Weder Lang!!!!

Malas o Swerte itoy isang kasabihan lamang pero ang ibang tao ay naniniwala dyan lalo ng kapag pera ang pinaglalabanan, Lalo na ang mga sugarol minsan naniniwala ako sa Malas o Swerte kasi minsan darating sa buhay mo na magiging swerte ka minsan ka. Halimbawa ang pagkapanalo sa Lotto ito'y isang simbolo ng swerte pero naiisip ko na talagang nakatadhahna sa iyo ito. hindi ito sa Malas o Swerte ka.
Lamang sa akin, Ang hindi paniniwala sa Malas o Swerte kasi darating at darating sa iyo ang iyong kapalaran talagan nakatadhana sa iyo. Hindi ito kagagawan ng Malas ka o Swerte ka. Diyos ang nagtatadhana sa ating buhay at ating kapalaran hindi isang kasabihan. Siguro natatapat lang ito sa atin kaya minsan naniniwla tayo.
Para sa akin, Dumarating lang talaga sa buhay mo itong pangyayari. Kung Swerte ka, Swerte ka, kung Malas ka, Malas ka at ang tao lang naman ang gumagawa ng ika-sususwerte mo at ikamamalas mo. Kaya Malas o Swerte ay isang Kasabihan Lamang.


Estela Tuscano

Tulong-tulong, sama-sama

Sa ating lipunan hindi mawawala ang pamilya dahil ito'y isang bahagi ng ating Lipunan.Ang pamilya ay Binubuo ng Ama't Ina pati narin ang mga anak.Mapalad tayo dahil binigyan tayo ng disyos ng kupletong pamilya dahil may mga taong hindi kumpleto ang kanilang pamilya o nangungulila sila, Andyan ang wla si o kaya naman si nanay. Mahirap ang hindi kumpleto and pamilya dahil sa watak-watak na pamilya ang ibang tao ay nasisira ang kanilang buhay, andyan ang pagkakaroon ng bisyo dahil iniisip nila,wala na silang pag asa, dahil walang nagmamahal sa kanila o walang sumusuporta. Masaya kapag kumpleto ang pamilya dahil magkakasama parin kayo, kahit dumaan ang maraming problema hirap o ginhawa.
Simple lang ang pamilya, Mahirap, Maraming dumadaan na problema pero sama-sama naming nilulutas ang aming problema. Masaya na ako sa aking buhay dahil kumpleto na ang aming pamilya at sama-sama kami sa iisang bubong masaya na ako kasi, Andyan si Nanay, si Tatay, si Ate at Kuya. Masarap kapag Kumpleto ang pamilya mo damang dama mo ang kanilang pagmamahal at pag aaruga at salo-salo kayo Kapag nasa Hapagkainan. Masaya kpag may inang nag-aalaga sayo at may tatay na Lumalambing sa iyo. Ang pamilya namin isang kahig, isang tuka pero kahit ganito lang ang aming Pamilya. Masaya kasi sama-sama kayo.
Ang aking Pamilya, itong nagsisilbi kong inspirasyon sa buhay at sa pag-aaral dahil lagi silang nasa tabi ko, Minsan sila yung nag papasaya sa akin at sumusuporta. Ako bilang isang anak at parte ng aming pamilya, pagsisikapan kong isulong sa kahirapan ang aming pamilya at tuparin ang kanilang mga pangako.


Estela Tuscano

Sanktwaryo



Ang buhay ay isang lupon ng mga akdang tinatalaan natin araw-araw ito'y ang mga likhang sining na binubudburan natin ng ibat-ibang pintura, Ito'y isang makulay na seda na ating hinahabi at nilalagyan ng mga kaakit-akit na burda, at tayo mga nilalang ang siyang guguhit at huhulma sa ating mundo.
Hindi ko na siya nasisilayan sa ngayon sa maingay at magulong silid aralan ko siyang unang natagpuan. Sa isang lumang upuan di kalayuan sa aking kinalalagyan. Madalas siyang sumungaw sa durungawan na animo'y naaliw sa mga balumbon ng ulap sa himpapawirin, At kung minsan ay tahimik na pinagmamasdan ang mga markang nakasulat sa kanyang upuan. Isang imahe nang nagiisang kaluluwa, mapanglaw, Madilim , Nangungulila...ang kanyang mundo'y malayo sa aking pinag mamasdan. Ilang milya ang pagitan. Subalit sa aking puso'y may isang tinig na nanambitan at ito ang nag-udyok sa akin na buksan ang kahong kanyang kinalolooban. Bihirang bihira ko siyang makitang naka ngiti, bihirang bihira.
Sumapit ang kaumagahan at sa di inaasahang pagkakataon ay nagkasabay kaming pumasok. Kapwa kami humahabol sa oras sapagkat malapit narin kaming mahuli. Nilingon ko sya at nagtagpo ang aming mga mata, ako'y ngumiti, at sa kauna-unahang pagkakataon nakakatanggap ako ng isang magiliw na reaksyon mula sa kanya. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. "Tara na!" hinawakan ko ang kanyang kamay at sabay at sabay naming tinahak and daan patungo sa aming silid aralan. Muli syang ngumiti, Isang isang ngiti na walang pangamba. Isang ngiting matagal ko nang nakahimlay sa tahimik nyang personalidad. At iyon ang simula ng pagkakaroon ng liwanag sa madilim nyang sangtuaryo. Naging malapit kami sa isa't-isa, Walang minutong hindi kami nag uusap at tumatawa sa ilang mga biro. Ang aming pagkakaibigan ay nagtigib ng pag-asa at pangarapin. Nasaksihan ko ang unti-unting pagkabasag ng boteng kanyang kinakukulungan. Tuluyan kong nakita ang kanyang pagbabago, patuloy na humihigpit ang lubid na nag-uugnay sa aming dalawa at masasabi ngang kami'y naging "isa". bukas kami sa lahat ng suliranin, panaghinip, lihim...sa lahat! sapat nang kami'y magkasama, Sapat nang kami'y masaya at nagkakaunawaan. Ang sabay naming pagtibag ng mga bloke ng bato ang sya'ng nabukas ng pintuan sa kanyang kahon. Ngunit sa gitna ng aming makukulay na linya nanahan ang ilang lamat, lamat na pinilit kong tagpian at idikit.
Dumadalas na ang kanyang pagliban bunga ng isang sakit, Sakit ng siyang humihila sa kanya palayo sa akin, Subalit hindi akong pumayag na mawala ang buhol sa lubid naming dalawa. Maraming paraan!!! kailangang manatiling bukas ang aming komunikasyon kailagan ko syang sagipin! hindi ko nais na bumalik ang mapanglaw nyang sangtuwaryo.ang mapanglaw nyang puso! natakot ako, ang pangambang baka muli pang maulit ang kanyang pag-iisa, Labis akong nangungulila, Akoy animo'y isang tupang naligaw sa gitna ng kagubatan. Batid kong nadarama niya ang kalungkutan..Dama ko.
Subalit alam kong hindi rin ito magtatagal, ang unos ay titila rin. Mahal namin ang isa't-isa at batid kong makakayanan namin ito, Ang mga pagsubok ng siyang huhulma sa aming pagkatao. Sa kabila ng lahat narito parin ako't naghihintay. Nakahanda parin ang aking kamay upang tagpian ang dalawang lubid. Ang paggunita ko sa kanya ay isang katamisang handog na sa kaibutura'y sisilang ang isang PANALANGIN!!!


Belen E. Casin

Mga Latay


“Kabiguan ang ukol sa sinumang sumalungat sa naghaharing palakad”.Ang krisis na yaong na animo’y punyal na nakasugat ng malalim.madalas ko silang madinig, sa makitid at madilim na na iskinita.Habang tinatahak ko ang daan patungo sa landas na tanging mallit na ilaw lamang ang akin g nasisinagan.ang mga tinig na nagsasabog ng palaisipang nakapagdudulot ng kasawiang palad.Hindi iilang pagkakataon kong nadinig ang mga hinaing ng mga animo’y kaluluwang nagdurusa.”Wala kayong puso!”,”Maawa po kayo saamin!”Mga Kriminal!”,”Mga hayop”,”Nasaaan ang hustisya!”Ito ang mga hinaing ng mga hinaing ng mga taong pinagkaitan ng karapatan,Mga taong siyang hinawakan sa leeg ,may busal ang mga bibig at piring sa mga mata.Mga taong siyang nasa ibaba’t mahihina,mga inalipusta,inabuso at sinamantala.Ito ang mukha ng mga”BIKTIMA”.Ang siyang anyo ng matinding pighati’t kasawian.Ito ang panig ng mga taong nagdurusa.Samantalang sa kabila ay ang hanay ng mga edukado at may pinag-aralan,mga taong siyang maimpluwensya at malakas,sila’y makapangyarihan at gahaman sa salapi na yaong sabik pa rin sa amoy ng mga luho’t ibat-ibang karangyaan.Ano ang pangyayaring nagpaiba ng takbo ng panahon?.Tahasan na ba nating natamo ang kalayaan?.Gayung may mga matang luhaang sa akin ngayo’y tumatambad.”Pati ang hulmahan ng pag-iisip ng tao ay nagbago.

Tahasan na nga nabura ang mga linya ng batas at kapangyarihan.Ang linyang humihiwalay sa may sala at inosente,mga kriminal at biktima,ang mga matang sumusuri ukol sa kilos ng mga naapi at yaman ng nang-aapi.Tuluyan na ngang lumalabo ang hustisya sa mga maralita,Mga DUKHANG magigiting sa harap ng kahirapan.Bagam’t ang pag-iisip ng tao’y may kakitiran paminsan minsan at kung kinakailangan.Ang dupok ng pagiging isang tao’y nasusubok sa pananalig.Kung ating gugunitain at sasariwain ang sitwasyon ng mga magigiting nating bayani mula sa kalupitan ng mga mananakop, ang kamay na bakal na syng nagpunla ng takot,pangamba at kamatayan,ang syang nag-udyok sa damdaming Pilipino upang udlutan ito.Sa bisa ng wika ni Rizal”Walang alipin kung walang magpapaalipin”.Namuo ang isang anyo ng isang manghihimagsik.Datapwat marami ang mahihinang napinsala at nawala sa kabila ng isang sakripisyong nagtangkang gumising sa diwa ng isa’t-isa.Tayong lahat ay maaaring maging biktima sa mapaglarong mundo at makasalanang kamay ng tao.Ang paghahatol ay matatamo rin at ang mata ng hustisiya masisilayan ang siyang tunay na may sala.Maghihilom din ang mga latay.Matatamo rin ang mabuting layunin,walang kinikilingan at pag-gawad sa kung anong tama at patas...

Belen E. Casin

Wednesday, October 22, 2008

KUNG GUGUSTUHIN!!


May mga taong inaasa na lamang sa kapalaran ang kanilang buhay, may pagkakataon pa ngang” bahala na “ang syang nagiging panuntunan. Yaong mga taong susmusunod na lang sa rumaragasang agos at hindi na nagkakapagtatala ng mga bagong karanasang ika huhulma nila bilang isang anyo ng subok na’t dakilang nilalang.Mga nilalang na sumusugal sa isang walang kasiguraduhang hakbang.Ang hakbang patungo sa isang matuwid na kinabukasan.Subalit ang pagtahak sa landas na ito’y mapalinlang’ sapagkat ang sanga-sangang daan itoy inililigaw ang marupok na isipan ng tao.

Minsan nang dumapo sa aking gunita ang isang karanasang nagmarka at nagiwan ng mga supling na tanong ”ito ba’y itinadhana? O sadyang nagkataon lamang?” At ang mga katanungang ito’y kumwestyon sa aking paniniwala. Ang bawat isa sa atin, gaya ng nalalaman ng lahat ay may kani-kaniyang pinaniniwalaan o pinanghahawakang prinsipyo sa buhay. Subalit sinong musmos ang siyang hindi dumaan sa mga pamahiing minsan ding ikinakunot ng mga nuo. ”Masama ang magwalis sa gabi mamalasin tayo!” pamahiing naging bahagi na ng kultura natin at para sa ikagigiliw ng pagpasok ng kasuwertihan, bagamat sa murang isipa’y namulat tayo sa paniniwalang ito at hindi natin maaring ikubli ang mga katanungan umusbong sa ating paglaki. Madalas ko siyang kakitaang tangan-tangan ang isang maliit na aklat. Isang aklat na naglalaman ng mga larawang nakikita ko lamang sa aking panaghinip. Kung minsa’y naglalaro sa aking isipan ang kasabikang mabuklat kot’ mabatid ang nilalaman ng aklat na iyon. Minsa’y nakita ko iyon sa lumang tukador ni ama at dulot ng aking mga tanong, Binuklat ko ang luma nitong mga pahina, “ORACULO”, Isang aklat na naglalaman ng mga interpretasyon ng ating mga panaghinip, Hindi ko lubusang maisip kung bakit ni ama pinaniniwalaan ang akdang iyon, Marahil ay marami ding tanong si ama. Subalit umusbong sa akin ang ideyang ito’y upinion lamang ng isang manunulat, “logic ika nga”. Sa aking paglaki, ang mga kaalamang syang binihisan ng magandang kaanyuan ang siyang nagbigay kamulatan ukol sa aking paniniwala, ang kamalasan at kasuwertihan ng taoy isang banghay lamang ng lupon ng kanyang karanasan. Ang tuwirang pag-uuri sa maganda at dikanais nais na kaganapan sa buhay, tayo mismo ang siyang mayhawak ng ating kapalaran. Tayo ang lumilikha n gating kamalasan at kasuwertihan. Ito ang bunga n gating mga ginawa tayo’y papalarin kung gugustuhin natin. Tayo mismo ang siyang may kakayahang panghawakan an gating sariling buhay. Tayo’y pinagkalooban ng sapat na kaalaman upang mabatid natin ang mga kasagutan sa libo-libong mga tanong. Kadalasan ang paglalaan ng sarili sa kapalaran ay nagdudulot ng pagsisisi, kaya marapat lamang na siguraduhing tayo’y responsible sa bawat laro ng buhay, upang hindi tayo mabigo at magsisi sa huli!

Belen E. Casin